Monday, August 3, 2009

Bakit mahalagang pag-aralan ang kasaysayan?

Ano nga ba ang kahalagahan sa pag-aaral natin ng kasaysayan? May maidudulot ba ito sa buhay natin sa kasalukuyan? Ang totoo nyan ay meron. Mahalagang malaman ang kasaysayan ng ating nakaraan upang maintindihan natin ang mangyayari sa kasalukuyan. Malalaman rin natin ang pakakaiba ng noon sa ngayon sa pamamagitan ng paghahambing ng mga pangyayari. Halimbawa na lang sa mga tao, lugar at kagamitan o mga bagay-bagay. Noon, ang mga tao ay wala pang masyadong alam sa mga nangyayari sa daigdig. Kagaya na lang ng kung ano ba ang totoong hugis ng mundo, bakit may mga pangyayari na mahiwaga sa kanila na sa totoo lang ay natural lang naman. Binibigyan ng mga tao noon ng kahulugan ang mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid nila.
Marahil na rin sa kanilang kuryosidad, sila ay nakakadiskubre ng mga bagay o kagamitan na nakakatulong sa kanila upang mapadali ang kanilang pamumuhay. Maituturing na rin ito na isang teknolohiya noong unang panahon. Kagaya na lang ngayon, ang mga tao ngayon ay marami nang alam pagdating sa teknolohiya. Paggamit ng computer, cellphones, o yung mga bagay na hightech. Lahat na yata ng gawain ay ginagamitan na ng teknolohiya ngayon. Dati naglalakad ka lang o 'di kaya'y sumasakay sa mga hayop na gamit sa transportasyon, pero ngayon mayroon ng mga sasakyan. Maaari mong bayaran ang serbisyo nito, at kung ikaw ay may kaya o 'di kaya ay mayaman, maaari kang makabili ng sarili mo.
Isa lamang ang mga ito sa kahalagahan kung bakit natin kailanang malaman ang kasaysayan.

Sana ay natuto ka!

to be continued...

ANG TATLONG DOKTRINA NG SINAUNANG RELIHIYONG TSINO

Anu-ano kaya ang mga ito?
Una ay ang Confucianism. Ito ay binuo ng isang chinese philosopher na si Confucius. Nakatuon ito sa moralidad ng mga tao at sa mga maling gawain. Isa rin itong sistema na may kinalaman sa moral, sosyal, politikal, pilosopikal at ang quasi-religion. Dahil sa mga ito, malaki ang naging impluwensya nito sa kultura ng mga tsino.
Ang ikalawa naman ay ang Taoism. Ang konseptong ito ay nagsimula sa Tsina mula pa noong nasa unang stado pa lang pagkabuo ng relihiyon. Ang Tao ay isang salita na ang ibig sabihin ay "the path" o "the way". May kinalaman ito sa pilosopikal at religious tradition na nakaimpluwensya sa mga taga silangang Asya sa loob ng halos dalawang milenyo at sa kanluran sa loob ng dalawang daang taon.
Ang ikatlo at ang panghuli ay ang Buddhism. ang Budismo ay nagmula pa sa India noong 500 B.C. sa pamamagitan ni Siddhartha Gautama. Sya ay tinaguriang "the enlightened one" o si Bhudda. Ang relihiyong ito ay idinala sa Tsina sa pamamagitan ng Silk Road, isang ruta ng mga mangangalakal na nagtutungo sa Tsina na pinamumunuan ng mga dayuhan noong panahon ng Dinistiyang Han. Sa simula, ito ay itinuring na parte ng Taoismo dahil ang dalawang relihiyon ito ay magkapareho. Kahit papaano, may mga monghe pa rin na magmula sa India patungong Tsina at iningatan ang relihiyong ito na matabunan ng Taoismo. Ang mga Buddhist ay niyaya ang kanilang mga tagasunod na matutunan ang mga bagay-bagay sa kanilang sarili.



Wednesday, July 29, 2009

Ang Sinaunang Relihiyon ng mga Tsino.

Noong panahon ng "Bronze Age" (2205-256 B.C.) sa Tsina, ang mga Tsino ay sumasamba na sa iba't ibang diyos at mga ispiritu. At isa sa importanteng "deities" noong "Shang Dynasty" ay si "Ti" na ang ibig sabihin ay "Deity Above" o "ang panginoon sa kataas-taasan". Sya ay naniniwala sa pagpaparusa ng mga taong nakakasakit at nagkakasala sa kanya, at ang mga taong sumusunod sa kanya ay binibigyan naman niya ng gantimpala.
na ginawa ng kanilang mga mahalagang ninuno na pumanaw na. Ang mga ninunong ito ay pinagsilbi
Si Ti ay ang namamahala sa mga diyos at ispiritusa "pantheon". Ang mga Tsino ay mayroong "spirit gods" na sumisimbulo sa mga bagay-bagay na makikita sa kapaligiran, sa mga bundok, mga bukal, at sa mga bituin sa kalangitan. Sila rin ay may itinuturing na dalawang diyos sa mundo, "the god of soil" at ''the Sovereigh Earth". Ang mga ito ay tumutukoy kay Ti.
Si ay mayroon ding hukuman o "royal court" sa kalangitan han sa Ti at tinulungan siyang mamuno. Ang mga Tsino ay sumasamba sa kanilang mga ninuno na na nagsisilbing tulay sa pagitan ng kanilang diyos at ng sangkatauhan. Ito ay ang mga pari na siyang gumagawang mga trabaho, mula sa pagbabasa ng mga dasal para sa pagka-cunduct ng mga sakripisyo sa punerarya.
Mayroon pang ibang klase ng medium ang mga sinaunang relihiyon ng mga tsinoat ito ay ang tinatawag na "augur". Ang isang augur ay kumukunsulta at nagtatanong sa mga diyos dahil na rin sa mga tao, pagkatapos ay gagamit ito ng mga piling taktika sa pagsamba, kagaya na lang ng oracle bones, upang makahanap ng kasagutan.Ang mga augur ay nagtatanong rin tungkol sa hinaharap, kagaya na lang sa kung papaano ilalabas ang mga aanihin o hindi kaya'y kung papaano magwawagi sa isang labanan.
Sa panahon ng snaunang estado ang kanilang relihiyon, ang mga tsino ay binuo ang konsepto ng "Tao" o kapaligiran. ang lahat ng bagay na mkikita sa kapaligiran ay naglalaman ng dalawang magkasalungat na pwersa na tinatawag na "yin" at "yang". Ang mga bagay na naglalaman ng maraming yin, pwersa na nanggagaling sa mga babae, ay natatangi ng passive, kadiliman, at pagiging malamig.Sa mga tsino, ang buwan ay nagtataglay ng higit na mas maraming yin kaysa sa yang. Ang mga bagay naman na nagtataglay ng yang, pwersang nanggagaling naman sa mga lalaki, ay mainit at punong puno ng liwanagkagaya ng araw.
Ang yin at yang ay mga konsepto na nagdadala sa idyolohiya ng Taoism at ng Confucianism.